Home » Post Item » FLASH DISC, SAMPUNG PISO LANG.

FLASH DISC, SAMPUNG PISO LANG.

Saturday, May 31, 2008

Ayaw kong magpaliwanag ngayon kung bakit ngayon lang uli ako magkukuwento. Sa susunod na lang.

Kung ang hinahanap niyo e ang mga nakakainspire, nakakatouch at nakakainlab na mga sulatin e ngayon pa lang itigil niyo na ang pagbabasa. (Nagsusuplado.)

Bakit kaya ang daming problema ng Pilipinas?

Bakit madami din akong problema?

Bakit kasi kung kailan ko nakita ang flash disc na iyon e yun din ang magiging araw na mawawala iyon? Buti na lang kung masasapak na lang uli ako sa kalsada at mahuhulog iyon. May drama pa hindi ba?

Pero hindi e.

Nagambala ang aking pagtutunganga at pagpapakatamad sa bahay. Inutusan na naman kasi ako ni ama ni i-type ang kung anu-ano para dun sa trabaho niya. Siya kasi ang treasurer (treysurer sabi ni ina). Kaya siya ang kailangang gumawa nung listahan kung anu-ano ang mga nagasta at iba pang bagay na may kinalaman sa pera at mga numero.

Pagbabaalik tanaw. (Pagpapakita ng mga larawan sa saliw ng kantang ngayon at kailanman.)

Alam niyo bang ang tinapos ng mga magulang ko e accountancy at psychology? Alam niyo rin bang sa dalawang subjects na ito mababa ang marka ko? Sana tinuruan nila ang magkompyut at gumising ng maaga. Hehe.

Balik sa kasalukuyan.

Habang tinatype ko iyon e naisip ko ‘ata lahat ng problema ng Pilipinas. At hindi pa maayos ang kain ko nun dahil di ko nagustuhan ang nakahanda sa mesa at nagluto pa ako ng sarili kong pagkain at binuksan ko pa ang lata ng uric acid. Este sardinas. Wala pang ibang tao sa bahay. 

…At dahil ayoko namang ikuwento lahat ng bagay ay ikukuwento ko na lang kung ano talaga ang nangyari.

Ipinaprint ko ang tinayp ko dahil walang ink ang aming printer. (Lagi lang nagtatanong si ama kung magkano ang ink pero ‘di naman siya nakakabili. ) Wala pa akong ligo nun. Marami pang tao doon pero ok lang dahil parang lahat naman kami ay mukhang wala pang ligo. Haha. Biro lang. Nagmadali na ko dahil mainit at ano nga naman ang gagawin ko doon? Kailangan ko bang i-cheer ang mga naglalaro at nakikipagchat doon? ‘Di ko makuha ang mithiin nung una pero ung huli e ok pa.

Nilagay ko sa bulsa ko ang flash disc. Nagscooter pauwi ng bahay. Pagdating ko dito, kinapa ko ang aking bulsa. Tumagos ang aking kamay. Butas pala.

Binuksan ko ag taguan sa likod ng scooter at nagbakasakaling nandoon. Pero wala. Wala na. Bumalik ako sa aking mga dinaanan upang magbakasakaling may makitang durog durog na plastik. Dinaanan ko uli ang computer shop pero di na ako nagtangkang pumasok at magtanong dahil mas dumami ang taong mukhang di pa din naliligo. Hehe.

Hindi na ako nagreact sa mga sinabi ng aking ina.

Naiinis ako dahil nawala siya dahil sa pagpapaprint nun. At sampung piso lang ang halaga niya. Naisip ko, sana ‘yung bulok na flash disc na lang dinala ko.

Wala akong mensahe sa nakapulot o nakadurog nun.

…At sa susunod na lang uli. Kailangan ko pang maghapon ng mga baka.

Kung tatanungin niyo kung naging produktibo ang aking buhay ngayong bakasyon e oo naman ang isasagot ko. Marami akong nakuhang kalyo. Nagkasugat din ako. Mukha na akong di kanais-nais. Hehe.

Paalam.

Posted by norris at 5:45 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment