FREE PHOTO EDITING SERVICES!
Tuesday, October 19, 2010Tama~! Ako po ay nageedit, nagreretouch, nagmamanipulate at kung anu-ano-pang-puwedeng-gawin-sa-photoshop-pakshet ng mga larawan nang libre!*
Ito ay aking napagtanto sa tulong ng aking kaibigang si Mafe. Siya kasi ay namroblema sa kanilang family picture sa kadahilanang may nasamang hindi naman miyembro sa kanilang pamilya. Hindi ba’t napakagandang ideya na idaan sa photoshop ang kamaliang ito? Hindi na ako tumanggi pa dahil hindi napakabuti ni Mafe upang tanggihan. Naks. (Hindi pa kasi ako nakakapagpaalam kay Mafe. Pasensya.)
Nakita ko ang larawan. Noong una ay medyo nahirapan ako pero matapos ang ilang sandali ay nakaisip ako ng paraan upang masolusyonan ang kanyang problema.

Solution no. 1 - Blurred effect.

Alam kong hindi masyadong nakakamangha ang ginawa ko. Well, sinadya ko. Una, gusto ko sanang protektahan ang pagkatao ng biktima. At pangalawa, ayokong mahalata niya na ninais siyang ipabura ng mga kasama niya sa larawan. Grabe no, ang saya saya niyo sa picture tapos ipapabura ka lang?
Solution no. 2 - Vase.

Napansing kong medyo halata pala na may kasama pa rin sila. Siyempre hindi naman sila maniniwala kung idadahilan mong blurred ang kuha at siya lang ang naapektuhan.
Hindi ba’t napakaganda ng vase? Para naman magkaroon na rin ng accent ang larawan. Medyo wala kasing dating kung ikukumpara sa mga nagpapakuha na gamit na gamit ang costumes, kurtina, stuff toys at kung anu-ano pang available sa studio. May mga gumagamit nga ng hagdanan, yung vase pa kaya?
Solution no. 3 - Kambal

Sa mga hindi po nakakaalam, may kapatid pong kambal si Mafe. (Tingnan muli ang unang larawan.) Kung hindi niyo napansing meron, hindi ko kayo masisisi. Kaya naisip kong idaan itong muli sa pag-eedit. Ang problema nga lang ay hindi ako sigurado kung kapatid din siya ni Mafe. Kung sakaling hindi mo pa rin nakikita ang pagbabago sa larawan ay wala na akong magagawa.
Solution no. 4 - Multo

Ito ang pinakamagandang solusyon para sa akin. Sabi nila, “a picture is worth a thousand words”. Isipin mo na lang kung ipopost ito sa pamamahay lalo na sa may living room. Tapos party. Conversation piece ‘to friends. Puwede ka pang manakot ‘di ba? ‘Yun nga lang, doon sa party, dapat hindi invited si ate. Sayang nga lang at wala ng sfogs.com. Puwede rin sana itong i-upload doon.
Dito na nagtatapos ang aking blog. Ako ay umaasa sa mga future customers na nais magpaedit ng kanilang mga larawan.
*Ang libreng offer ay para lamang sa mga larawang katulad ng halimbawa sa taas. Salamat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


