Home » Post Item » Baliwag Monologue

Baliwag Monologue

Friday, April 15, 2011

 
For a moment I believed in what they call Destiny.
And no, I am not in love.

I used to believe that Destiny and Fate was just a matter of choice and judgments. Puwede rin yung kasabihan natin na “Kapag may isinuksok, may madudukot.” Na everything we do has its consequences and repercussions in the long run. Minsan kahit ‘di na nga long run bilang digital age na. Tapos maniniwala tayo na Destiny may gawa noon. Hoy.

Well that is something I used to believe in.

I had known this person for a time that I can say, we had the most beautiful relationship a person could ever wish for. Yung tipong “You jump, I jump”, ganoon. We were aware of Changes - of growing up and growing old. Umasa ako na sana hindi dumating ‘yung araw na magogrow up at magogrow apart din kami.

And it’s starting to happen… I was unprepared. I wasn’t aware that this person is growing up and people would not wish for a relationship like ours. I’m starting to have this feeling na ‘pag nag-jump ako, go push na lang ang sasabihin niya. Hindi naman siguro, tipong let’s not jump na lang. Hehe.

Minsan sinasabi ng kaibigan ko na nagbibingi-bingihan siya, at ayaw niyang galugarin sa utak niya ang mga masasakit na thoughts. Ay, truly pala. Madalas kailangan nating harapin yung problema gaya ng ginagawa ng Face to Face pero minsan pala gusto mo na lang itago sa kalikud-likuran ng utak mo ‘yung mga posibleng mangyari.

Naiisip ko na lang na baka mali yung isinuksok ko. O mali ang nasuksukan. Natawa ako. Haha.

Bigla akong tinamad. Senyales na bumalik ako sa realidad at sa mga konseptong pinaniniwalaan ko.

I realized how stranded I am and how I want it to be changed.

Sabi nila, Happiness has always been a matter of choice. Dapat ‘yan ginagamit ng mga bata sa Little Miss Philipines e. E ‘di sana ang dami nilang natutulungan.

Siyempre feeling ko bata pa rin ako at ayokong nag-iisip ng stress. Haha. Pero feeling puwede na tayong magtayo ng office for counseling sa dami ng nagdudulog ng kanilang problema. Maligaya ako na natutulungan/nasisira ko ang buhay ng ilan. Sana lang ay marealize ng mga tao na minsan di rin ako ok. Wala tayong powers gaya ng mga X-Men.

(At friends, patuloy nating pag-aawayan ang salitang Destiny at iba pang mga bagay. Haha. Pero isipin mo, sa dami naman kasi ng tao sa Earth hindi mo na makokontrol ‘yung interaction at pag-iisip ng lahat ng tao. Kung meron mang makakagawa niyan, hala, sige, talo ako.)

Posted by norris at 12:01 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment