Home » Page 3

Open Kesame!

Saturday, May 15, 2010

Tama ang nabasa mo, Kesame. Hindi ito tungkol kay Ali Baba at ang kuwebang puno ng kayamanan. It’s more like, Aling Lilia at ang kisameng puno ng basura. Puny#t@.

Nangyari ito noong April 27, isa sa mga nakakatamad na araw sa aming inuupahang kuwarto. Kumpleto ang pamilya - si Papa Nikon, Mama Rod at ako. Nag-aayos ako ng gamit. Kakukuha ko nga lang din ng pinalaba ko noon. Masaya pa ako’t sa wakas ay may kumot at tuwalya na uli ako.

Normal ang eksena. Naglalandian si Nikon at Rod (Hahaha) at ako ay naglilinis.

May kumaluskos sa kisame. Sabi ko, “May daga! Uy, may daga! Halaaa!” Hindi ako pinansin ng mga kasama ko hanggang sa may duming (parang alikabok) nahulog sa maliit na siwang sa kisame. Nang bumagsak na ito sa sahig, biglang sumigaw ang dalawa. High pitched ang sigaw.

Nagtawanan kami. Sa isip isip ko, “Ang lalaki niyong mga tao tapos ganyan ang sigaw niyo! Daig pa kayo nung kasama ko noong naaksidente ako sa motor e! Nakapekpek shorts ‘yon pero ang laki ng boses!”

Kumaluskos ulit ang kisame. Mas malakas ang tunog nito ngayon. Parang may lindol. Parang may babagsak sa kisame.

(Ngayon naman, isipin mong paikut-ikot kami sa loob ng kuwarto na parang hindi malaman kung saan pupunta. Gawin mo ito habang binabasa ang mga susunod na linya.)

Okay, with feelings. Kumaluskos ulit ang kisame! Mas malakas ang tunog nito ngayon! Parang…may lindol! (Dapat natatakot ka na.) Parang may babagsak sa kisame!

“Aaahhh!” sabay-sabay tayong sisigaw at biglang babagsak ang kisame.

(Ikaw na lang maglagay ng sound effects dito.)

Tuluyan na ngang bumuka ang kisame. Kasama sa pagbagsak nito ay ang isang pusa — pusang may poker face. Wala siyang reaksyon habang kami ay gulat sa pangyayari. Parang kulang na lang ay sabihin ng pusang “bakit?” para mas naramdaman namin na wala siyang alam sa nangyari. Gago.

May nakalimutan ako. Kasama nga pala ng pusa sa paglaglag nito ay palanggana, upuan, plywood, bucket sa kfc, sandamukal na alikabok (at mga mukhang alikabok) at kung anu-ano pa. O ‘di ba, may naglalaba ba sa taas?

Gulantang at malungkot sa pangyayari, pinuntahan ni Papa Nikon si Aling Lilia para magbigay aksyon. Bumalik kami sa kuwarto at kinanta ang victims of love.

“Victims of love, a broken down affair. So sad to see the debris scattered everywhere.”

Dumating si Aling Lilia. Bilang isang mabuting landlady, nagbunganga siya (hindi naman pagalit) na kulang na lang isisi sa amin ang nangyaring insidente. Dito niya rin nabanggit nang ilang beses ang salitang Kesame.

Kesa-kesa-me-eh-eh. :|

Ipapaayos na lang daw niya ito kinabukasan. (Hindi naman natupad.)

Dahil tinatamad na naman akong magsulat, ang bottom line ay hindi kami tinulungan ni Aling Lilia na maglinis.

Pinakabit niya sa kanyang alipores ang bumagsak na kisame. Sinugurado naman niyang hindi ito babagsak ulit kahit isang pako lang ang inilagay niya.

Ang tagal naming nilinis ang kuwarto. Matagaaaal. Naabutan nga kami nina CJ at Chloe na parang naglilipat-bahay na dahil lahat ng gamit ay nalagyan ng dumi. Medyo kasama ‘yung mga pinalaba ko.

Sa ngayon, may bagong kisame na ang kuwarto. Mukha namang mas matibay at hindi kayang ibagsak ng pusang may poker face. Ang problema naman namin ay paano babayaran ang renta at kuryente na hindi ko malaman kung bakit ang laki-laki.

Dahil halos buwan-buwan nagtataas ang rate ng kuryente, tinanong ko si Aling Lilia.

Ako: E ba’t hindi niyo kasi sinasabi na nagtataas ‘yung rate?

Aling Lilia: E bakit? Ako ba ang Meralco?

Ako: E bakit? Nagtatae ba kami ng pera dito? T&*^ i$# mo ka ah!

Dumating si Aling Lilia. Bilang isang mabuting landlady, nagbunganga siya (hindi naman pagalit) na kulang na lang isisi sa amin ang nangyaring insidente. Dito niya rin nabanggit nang ilang beses ang salitang Kesame.

Kesa-kesa-me-eh-eh. :|

Ipapaayos na lang daw niya ito kinabukasan. (Hindi naman natupad.)

Dahil tinatamad na naman akong magsulat, ang bottom line ay hindi kami tinulungan ni Aling Lilia na maglinis.

Pinakabit niya sa kanyang alipores ang bumagsak na kisame. Sinugurado naman niyang hindi ito babagsak ulit kahit isang pako lang ang inilagay niya.

Ang tagal naming nilinis ang kuwarto. Matagaaaal. Naabutan nga kami nina CJ at Chloe na parang naglilipat-bahay na dahil lahat ng gamit ay nalagyan ng dumi. Medyo kasama ‘yung mga pinalaba ko.

Sa ngayon, may bagong kisame na ang kuwarto. Mukha namang mas matibay at hindi kayang ibagsak ng pusang may poker face. Ang problema naman namin ay paano babayaran ang renta at kuryente na hindi ko malaman kung bakit ang laki-laki.

Dahil halos buwan-buwan nagtataas ang rate ng kuryente, tinanong ko si Aling Lilia.

Ako: E ba’t hindi niyo kasi sinasabi na nagtataas ‘yung rate?

Aling Lilia: E bakit? Ako ba ang Meralco?

Ako: E bakit? Nagtatae ba kami ng pera dito? T&*^ i$# mo ka ah!

Salbahe. :( Haha. Siyempre joke lang. Alam niyo namang hindi ko masasabi yan e. Haha.

Haaay. Kailangan na naman naming magbayad ng renta sa 20. Tumatanggap kami ng donasyon, baka sakaling hindi niyo alam. Tumatanggap din po ng construction work si Papa Nikon. Pedicure naman po ang specialty ni Rod. Makikita naman po natin ito sa kanyang paa.

Labyu friends. Haha. Lumipat na kasi tayo!

(Paalala: Ang ilang nakasulat dito ay pawang kathang-isip lamang. Pero totoo talagang naglalandian si Rod at Nikon. Hahaha.)

Posted by norris at 4:30 pm | permalink | Add comment

Tanongs.

Wednesday, March 17, 2010

First go to this link: http://mct421.deviantart.com/art/Question-Meme-Generator-69266481 fill it out copy, paste and answer the questions

 

1. Ever slept in the same room with Reveena?

- Yeah. Sa Falcon Crest. Hindi naman ‘ata ako nakatulog. Counted ba ‘yon? Haha

 

2. Would you love to read Michael’s very personal diary?

- That would be interesting.

 

3. Who’s Tata dating?

- Idk. Hindi naman ‘yan nagkukuwento e. Pero maraming babae ‘yan e.

 

4. What if you found out that Jeffrey was secretly an alien plotting to take over the world together with Raymond?

- Scary. Pero feeling ko hindi si Raymond partner niya. Haha

 

5. Who would win in a duel, Raymond or Rommel? And what kind of duel would they pick, anyway?

- Rommel. Volleyball. Ang galing niyang mag-spike e.

 

6. What advice would you give Dexter?

- Huwag masyadong manyak. Haha

 

7. Does J.M. have any pets?

- HINDI ko alam kung bakit natatawa ako. Hahaha! Meron yata silang pet dog. :)

 

8. Have you dreamt of Edzel before?

- No?

 

9. Karizze suddenly knows all your secrets. What do you have to say about that?

- O hindeee.

 

10. What would you do if Rommel and Dexter were going out?

- Hindi ko alam! Haha

Posted by norris at 1:45 am | permalink | Add comment

Wala lang.

Saturday, January 30, 2010

Minsan pala nakakamiss mag-blog e no? Jejeje puh.

Posted by norris at 9:04 pm | permalink | Add comment

Ang Aksidente - Part 3

Thursday, August 27, 2009

Yun nga. Hindi naman ako magaling magsulat kaya ang hirap isalin kung ano bang climax meron ang aming aksidente. Sabi lang ni Gary na ang pagpaparating ko kung gaano kagrabe yung aksidente ay kulang. Siguro nga grabe yon kasi minsan (lalo na dati) ay napapansin ang peklat niya sa kamay. Minsan nga e napagkakamalan siyang may frat.

Si Gary pa rin ang umupo sa gitna. Siyempre uwi ang niligtas niyang yelo. Si Bryan tahimik lang sa likod. Tumama kasi yung bibig niya e. Natapyas pa ‘yung ngipin niya. (Dapat ganyan lang ang pagsabi.) Habang bumabiyahe kami na parang slow motion din e pinag-uusapan namin kung ano ang dapat gawin pagdating sa bahay nina Conrad. Ayun, sabi dumiretso lang sa kuwarto na parang walang nangyari. Nag-iinuman rin kasi ‘yung tatay ni Conrad kasama ang mga kaibigan niya noong mga panahong ‘yon.

(May dahilan naman ako kung bakit mabagal ang pagpapatakbo ko. Una, naaksidente kami. Pangalawa, mahirap magbalance kung tatlo kayo sa motor. Pangatlo, mahirap magdrive kung malamig na ang panahon at sa likod mo e may yelo na nakakatawa na sa sobrang lamig.)

Ngayon lang sinabi ni Gary kung bakit nagawa pa rin niyang iuwi yung yelo. Sabi niya, naaksidente kami dahil sa yelo. Kung wala kaming maiiuwi, mababalewala lang daw lahat ng ginawa namini. Oo nga naman.

Congratulations! May yelo ka na, may sugat ka pa!

Nakauwi naman kami. Pinauna ko nang pinapasok sina Bryan at Gary at ako na ang nagtayo dun sa motor. Salamat naman at may stand pa siya. Samantala, hindi ako sigurado kung paano sila naglakad papasok sa kuwarto. Para kasing ang hirap magpanggap na walang nangyari e. Lalo na kung grabe yung pagdudugo ninyo tas nakapekpek shorts pa yung isa.

Pagpasok namin sa loob, nagulat ang lahat. “ANONG NANGYARI?!” “ANONG NANGYARI SA INYO?!” Ewan ko kung natanggal ba yung kalasingan noong mga umiinom. O tumuloy pa rin sila sa pag-iinuman. Wala na akong masyadong maalala e. Naniniwala na ‘ata ako ngayon na ako ay nabagok. (Nabagok ang ginamit ko kasi ayaw nilang maniwala na may salitang nabanog.)

Ang mga mass comm students ay biglang naging mga nurse. Lalo na ang mga babae. Simula sa paglilinis ng sugat sa CR, at paglalagay ng first aid ay naroon sila. Ang suwerte ko sa mga kaibigan ko, ano?

Dahil walang tigil ang pagdudugo ng mga sugat nina Bryan at Gary ay naubusan na ng bulak at cotton buds. Ang mga mass comm students na naging nurse ay biglang naging girl scouts. Naisip nilang maaaring pagpigil sa pagdurugo ang napkin. (Teka.) E may baon kasi sila. Pipilitin kong maging hindi bastusin ang kuwentong ito kaya doon ko na lang ititigil ang usapang napkin. Pero kung sino man ang responsable sa pag-iisip non e nakakahanga hindi ba?

Hindi naman talaga ako madaldal na tao pero ang dami kong sinasabi noong mga panahong ‘yon. Medyo nagagawa pa naming tumawa ni Gary samanatalang si Bryan e mahahalata mong masama ang loob sa nangyari. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita kasi nga doon sa nangyari sa bibig niya. Sinasabi pa nga ni Gary na napipi si Bryan. Tumatawa naman siya. Nakasara nga lang yung bibig.

Halos lahat kaming magkakaibigan e nasa loob ng kuwarto ni Conrad. Maraming napag-usapan. Lalo na kung ano ang nangyari. Dito nagkaroon ng pagtatalo kung ano nga ba ang aninong aming mababangga dapat. Sabi ni Bryan ito ay pedikab. Sabi ko ay taxi. Sabi naman ni Gary e kariton lang ‘yon. Wala naman akong ibang magagawa kasi siya nga ang nagpamalas ng presence of mind noong mga panahong ‘yon. Alam niyo naman na yung ginawa niya di ba?

(Ang corny nang naisip kong pagkakitaan ang pagboto kung ano ba talaga ‘yung anino. Pero bigla na lang akong natawa noong naisip kong yung kita e mapupunta sa pagpapagamot ng namamanas na paa ng aming kaibigan.)

Kariton lang. Kariton lang pala ‘yon. Kung iisipin e nakakasama ng loob. Sabi nga nila ang cheap e. Alam mo ‘yon, iba ‘yung aksidente na dinanas namin dahil sa kariton.

Oras na ‘ata ng pagtulog no’n. Pero bawal kaming matulog lalo na ako kasi baka meron daw kaming contusion sa ulo. O, di ba? Gustung-gusto ko nang magpahinga pero bawal. Kinukurot at pinapalo pa nga nila ako noon para hindi ako antukin. Dahil medyo makulit ako, sabi nila baka mamatay ako sa pananakit nila at hindi dahil sa contusion (kung ano man ‘yon).

Hindi ko alam kung pa’no ito tatapusin kaya may Part 4. Hahaha.

Posted by norris at 3:21 am | permalink | Add comment

Ang Aksidente - Part 2

Saturday, July 25, 2009

Kung saan-saang tindahan kami nagpunta. May mga tindahang malalaki at may mga tindahang maliliit. Yung iba nga e hindi na mukhang tindahan. Basta malayo na kami. Umabot na nga kami sa kalsada na may mga nagbabantay na pulis. Tipong highway na. E kamusta naman, tatlo kami, walang nakahelmet, si Gary nakapekpek shorts at ang ingay-ingay pa rin namin. E di bumalik kami.

Hindi naman kami sumuko. Tumuloy naman kami doon sa isang daan. Rosario ‘ata yung pangalan nung lugar na yun. Ang weird lang kasi habang dumadaan kami doon sa isang tulay, iba yung kulay ng kapaligiran. Alam mo yung kulay ng lumang pictures? Yung sepia ba. Basta yun, ang lakas maka moments of love yung dating nung lugar. E feel na feel naman daw namin.

Lumagpas kami do’n sa tulay at may nakita kaming gasolinahan. Hindi ko na matandaan kung Caltex ba yun o kung ano. Si Gary ang may hawak ng pera kaya siya ang bumili. Siya na rin yung nagdala ng yelo. Ayoko rin naman kasing magdala ng malaking plastic na punung-puno ng tube ice. Ganoon pa rin ang puwesto, si Bryan ang driver, si Gary ang nasa gitna at ako ang nasa dulo. May dagdag nga lang na yelo.

(Naiisip ko tuloy ngayon na sumama lang ako dahil ang sarap ng hangin ‘pag nakasakay sa motor.)

Para sa akin, ang laking achievement nung pagkabili sa yelo. Ang layo na kasi ng lugar. Ayun, dumaan na naman kami sa lumang mundo (tawag ni Gary). Kuwentuhan, tawanan, mga ganyan. Nagrereklamo na nga si Bryan kasi ang ginaw nga raw ng yelo sa likod niya. Naaalala ko ngang dinudutdot pa ni Gary yung bilbil na Bryan e. May sound effects pa yun. “Taba. Taba. Taba.” Medyo ang harot lang ni Gary kasi nagawa niya pa yun bilang yung isa niyang kamay hawak yun sukli tapos sa isang kamay naman yung yelo.

Bigla na lang kaming tumahimik. Hindi ko alam kung ano yung dahilan nila. Basta ako namamanhid yung isa kong binti. Nagtanong pa nga si Bryan kung bakit nga tahimik. Walang sumasagot.

May naaninag kaming anino sa gitna ng kalsada . Hindi ko alam kung ano yun. Mabilis magpatakbo si Bryan kaya kailangan niyang huminto para hindi kami makadisgrasya. E sigurado namang hindi kami makakahinto agad. Ang alam ko na lang nangyaring sumunod e nagslow motion lahat. Alam mo yun, ang bagal ng oras pero hindi ka nakakapag-isip?

(Ano pa nga bang maiisip mo? Alangan namang isipin ko yung namamanhid kong binti e anumang oras e baka hindi na siya parte ng katawan ko?)

Salamat naman at hindi namin nasagasaan ang mahiwagang anino. Ang nangyari nga lang kami ang nadisgrasya. Matapos noong slow motion, tumagilid ang motor at dumausdos ito sa kalsada. Medyo nabago yung puwesto. Ako, tumalsik ako kaya medyo nauna pa ako kesa dun sa motor. Si Bryan kasama yung motor. Si Gary naman nabitiwan yung yelo at yung sukli pero hindi sila nagkakalayo ni Bryan.

Parang medyo naging selfish ako ng mga panahong yon kasi tumakbo ako sa malayo at umupo. Yung upong emo. Siyempre nagulat ako sa nangyari at iniisip ko kung ano ba ang dapat kong isipin. Iisipin ko pa ba yung manhid kong binti? Teka, parte pa ba siya ng katawan ko? Basta sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko ng mga sandaling ‘yon.

Pero hindi ko ‘ata magawa dahil sa nakikita’t naririnig ko. Naririnig ko si Bryan na sumisigaw at nagmumura. Si Gary naman niligtas yung yelo at inilagay sa gilid ng kalsada para hindi masagasaan. Yung pera naman sumabog kasi sa kalsada kaya hindi na niya pinulot. Saka no’ng mga panahong ‘yon medyo malilito ka kasi ang laki ng boses ni Gary no’n. Tapos nagtatanong kung ayos ka lang. Sa isip mo, “Shet. Lalaking nakapekpek shorts.”

Walang tumutulong sa aming mga tao. Siguro akala nila may shooting. Nanonood lang sila.

Noong mga sandal ring yon nasabi ko sa sarili ko na ang mga taong ‘to e mga tunay na kaibigan. Kasi kahit super duguan na sila e hinanap nila ako. “Si Norris?! Asan si Norris?!” Feeling kasi nila ako yung pinakamalala kasi ako nga yung tumalsik sa motor. Pero sa braso lang ako nagkasugat kasi nakapantalon ako. Basta hindi ko pa alam kung nasa’n yung mga sugat nila. Naaalala ko lang no’n e nagdudugo ‘yung mukha ni Bryan at si Gary ay nakapekpek shorts at nagligtas ng yelo.

Nagmumura pa rin si Bryan. “T*ng in* mo manong! T*ng in* mo!” Akala ko taxi yung anino pero pag-uwi namin, mali pala ako. Malay ko bang nanonood lang din si Manong Taxi Driver.

Ayos pa naman ‘yung motor. Kahit yung ibang parts e naiwan na rin sa kalsada kasama yung pera. Ako ang nag-drive pauwi.

Posted by norris at 3:39 pm | permalink | Add comment